LALAKING NAGNAKAW NG MOTORSIKLO SA SAN CARLOS CITY, NAHABOL NG AWTORIDAD MATAPOS MAAKSIDENTE

Arestado ang isang lalaki matapos umanong nakawin ang isang motorsiklo sa San Carlos City, Pangasinan.

Batay sa paunang imbestigasyon, ipinarada ng biktima ang motorsiklo nito sa harap ng kanilang bahay sa gilid ng kalsada, ngunit naiwan umano ang susi sa motor.

Dito na kinuha ng suspek ang motorsiklo at mabilis na tumakas.

Agad namang iniulat ng biktima ang insidente sa kapulisan at kaagad ding ipinakalat ang impormasyon sa mga kasamahang nagsasagawa ng hot pursuit operation.

Kalaunan, tiklo ang suspek matapos masangkot sa isang insidente ng banggaan sa parehong lungsod.

Agad itong inaresto at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng kapulisan.

Naibalik naman ang motorsiklo sa may-ari. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments