LALAKING NAGNAKAW NG YERO SA MABINI, INIREKLAMO SA PULISYA

Inireklamo sa Mabini Police Station ang isang lalaki matapos umanong magnakaw ng mga yero mula sa isang ari-arian sa bayan ng Mabini, Pangasinan.

Ayon sa ulat, noong Nobyembre 7, 2025, umano’y iligal na binaklas at kinuha ng suspek ang walong piraso ng galvanized iron roofing sheets mula sa isang pansamantalang istruktura na walang tao at pagmamay-ari ng nagrereklamo.

Tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,500 ang mga yero.

Natuklasan ng may-ari ang pagkawala ng mga yero noong Nobyembre 9, 2025.

Sa isinagawang komprontasyon, inamin umano ng suspek ang ginawa at natagpuan ang mga yero na nakasalansan sa tabi ng bahay nito.

Noong January 7, 2026, nagtungo ang nagrereklamo sa Mabini Police Station at nagsumite ng Certification to File Action na inisyu ng barangay upang pormal na maisampa ang reklamo.

Iniulat ang insidente para sa pagsasampa ng kaukulang kaso at wastong disposisyon ng pulisya.

Facebook Comments