Lalaking nagnakaw sa bangko, isinaboy ang pera sa labas saka sumigaw umano ng ‘Merry Christmas’

COLORADO, United States — Nagpaulan ng perang ninakaw sa bangko ang isang balbas saradong lalaki na bumati pa ng “Merry Christmas” sa mga tao, ayon sa saksi.

Nadakip ng pulisya ang kinilalang si David Wayne Oliver na nanloob sa Academy Bank noong Lunes, dalawang araw bago ang Pasko.


Lumabas sa bangko ang 65-anyos suspek, isinaboy sa lugar ang pera, at sumigaw ng “Merry Christmas!” ayon sa salaysay ng saksing si Dion Pascale sa KKTV 11 News.

Dinampot naman ng mga dumaraan ang pera at ibinalik sa loob ng bangko, ayon sa ulat.

Habang nagtungo naman si Oliver sa malapit na coffee shop, naupo sa harapan nito, at naghintay sa mga pulis.

“It was almost like he wanted it to happen [ang maaresto],” ani Pascale.

Facebook Comments