LALAKING NAGNAKAW SA ISANG TINDAHAN SA BOLINAO, ARESTADO

Nahuli ng awtoridad ang isang 21 anyos na lalaki matapos matukoy na suspek sa panloloob sa isang sari-sari store sa Brgy. Pilar, Bolinao, Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon, natuklasan na lamang umano ng may-ari ang insidente nang mapansing nawawala ang barya at paper bill na nagkakahalaga ng P20,000 at isang unit ng CCTV na may halagang P4,000.

Hinihinalang sa steel matting sa harap ng tindahan pumasok ang suspek na nakuhanan sa CCTV na pumasok sa lugar bandang alas dos ng madaling araw.

Kalaunan natunton ang suspek at narekober dito ang P6,000 na barya at P600 na paper bill.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments