LALAKING NAGNAKAW UMANO NG PV STRING CABLE, ARESTADO SA BUGALLON, PANGASINAN

Isang insidente ng pagnanakaw ang naiulat dakong 10:00 PM noong Nobyembre 27, 2025, matapos maaresto ang isang lalaki na nahuli umanong nagnanakaw ng photovoltaic (PV) string cable sa loob ng isang solar power plant sa nasabing bayan.

Kinilala ang suspek bilang isang 26 anyos na laborer.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ng mga guwardiyang nagsasagawa ng rutinang pagpapatrolya sa loob ng solar power plant na kanilang napansin ang suspek na kahina-hinalang paikot-ikot sa lugar, dahilan upang sila’y magsagawa ng agarang beripikasyon, na nagresulta sa pagkakahuli nito.

Dinala at isinuko ng mga security personnel ang suspek sa Bugallon Police Station matapos itong maaktuhan habang ninanakaw ang PV string cable.

Nabawi naman ang pula at itim na PV string cable na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang 800,000 pesos, pati na rin ang isang itim na sling bag na naglalaman ng kanyang national ID at isang steel cutter na hinihinalang ginamit sa krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng insidente at kung may iba pang kasamahan ang suspek sa naturang pagnanakaw.

Facebook Comments