Lalaking nagpapanggap na pasyente, arestado sa Maynila

Tondo, Manila – Kalaboso ang isang lalaking nagpapanggap na pasyente sa ospital para mangutang ng pera sa mga kaanak ng ibang pasyente sa Moriones Tondo, Maynila.

Ayon kay Senior Insp. Moises Reyes, hepe ng investigation unit ng Moriones Tondo police, modus ng suspek na si Manuel Aquino na lapitan ang mga nasa ospital at mangutang ng pera.

Naaresto si Aquino sa tulong ng CCTV matapos makapag sumbong sa security guard ng ospital ang isa sa mga nabiktima nito.


Narekober kay Aquino ang pera at isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Sasampahan ng kasong ‘swindling’ at ‘illegal possession of drugs’ si Aquino.

Facebook Comments