Lalaking nagpositibo sa Mpox, bumisita sa 2 establisyemento sa QC; ilang nakasalamuha, mino-monitor at isinailalim sa quarantine

Kinumpirma ngayon ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) na nagtungo sa dalawang establisyemento sa lungsod ang 33 anyos na lalaking empleyado ng gobyerno na nagpositibo sa Mpox.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, kabilang na ang isang dermatology clinic kung saan ito nagpatingin at ilegal na massage spa kung saan mayroon umano itong nakatalik.

Sa isang press conference, sinabi ni Mayor Belmonte na agad sila nagsagawa ng contact tracing kung saan sa 41 nakasalamuha ng pasyente, 28 ang sinailalim sa self-quarantine kabilang ang masahista at ilang kliyente ng spa.


Agad naman pinasara ni Mayor Belmonte ang massage spa matapos madiskubre na wala itong Mayor’s Permit at iba pang kaukulang dokumento.

Nilinaw naman ng alkalde na hindi residente ng QC ang lalaking nagpositibo sa Mpox.

Facebook Comments