Lalaking nagpositibo sa nCoV sa HK, binawian na ng buhay

Binawian na ng buhay ang 39-anyos na lalaki sa Hong Kong na nagpositibo sa novel coronavirus carrier sa Hong Kong.

Ito na ang ikalawang kaso ng nasawi dahil sa nasabing virus sa labas ng Mainland China.

Ayon sa local news broadcast na TVB – mayroong 15 kumpirmadong kaso ng nCoV sa Hong Kong.


Matatandaang sa Pilipinas naitala ang unang kaso ng namatay na hindi sa China matapos masawi ang isang 44-anyos na Chinese.

Samantala, nagposibito naman sa nCoV ang isang babaeng South Korean matapos bumisita sa Thailand.

Nabatid na ito ang unang foreign tourist na naiulat na hindi nagpositibo sa nCoV kahit na hindi bumisita sa China.

Habang kinumpirma naman ng Belgium Health Department ang unang kaso ng nCoV sa kanilang bansa.

Facebook Comments