
Nag-public apology ang lalaking ginawang costume sa isang halloween party ang uniporme ng pulis.
Sa pagharap nito sa National Police Commission (NAPOLCOM), sinabi nitong hindi niya inasahan na aabot sa ganoong sitwasyon ang pagsusuot niya ng naturang costume at lubos umano ang kanyang pagsisisi.
Kasunod nito, hindi na itutuloy ng NAPOLCOM ang pag-iisyu ng show cause order at pagsasampa ng kaso laban kay Dha Isidro.
Ayon kay Comm. Calinisan, nagsisisi na umano si “Dha” ang lalaking ginawang costume ang uniporme ng pulis kung kaya hindi dapat na palalakihin pa ang isyu.
Pero nagbabala ito na sana’y hindi na maulit ito lalo pa’t naghihintay na kaparusahan.
Matatandanag kinondena ni NAPOLCOM Comm. Rafael Calinisan ang nag-viral na larawan ng lalaki dahil tila kawalang respeto ang ginawa nito sa uniporme ng Philippine National Police (PNP).









