Isang lalaki ang nasagip ng awtoridad mula sa tangkang pagpapatiwakal nito sa loob ng kanilang bahay sa Brgy.Magsaysay, San Jacinto, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, humingi ng tulong ang kamag-anak ng biktima na agad nirespondehan dahil nakabigti na umano ito at nagpupumiglas sa loob ng bahay.
Matapos ligtas na maibaba at madala sa ospital, ibinahagi ng biktima na problema sa pamilya at pinansyal ang nagtulak sa kanya upang wakasan ang sariling buhay.
Inendorso naman sa mga kaanak ang sapat na suporta at pang-unawa sa biktima upang maiwasang maulit ang insidente.
Kaugnay nito, iginiit ng mga awtoridad ang paglapit sa pamilya at medikal na interbensyon kung kinakailangan upang maagapan ang depresyon o anumang sitwasyon na nagpapababa sa moral ng isang indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










