Lalaking nagtangkang magpuslit ng gun parts sa NAIA – arestado

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang lalaki matapos makuhanan ng iba’t ibang bahagi ng baril sa Ninoy Aquino International Airport.

Kinilala ang suspek na si Alfonso Martin Sanchez, 21-anyos at residente ng Caloocan City.

Naaresto si Sanchez matapos na makita sa x-ray inspection ng paliparan ang dalawang water heaters na naglalaman ng gun parts kabilang ang mga lower receiver ng 9mm pistol at 45 pistol at magazine.


Isang nagngangalang Christopher Yeung mula Hong Kong, China at Lau ng Vietnam ang consignees ng naturang package.

Bigo namang makapagpakita ng dokumento mula Philippine National Police si Sanchez para sa shipment ng mga bahagi ng baril.

Nakakulong na ang suspek habang kinahaharap ang kasong paglabag sa ra 10863 o customs modernization and tariff act of 2016 at RA 10591 o comprehensive firearms and ammunition regulation act.
DZXL558

Facebook Comments