Lalaking nagtatatrabaho bilang messenger sugatan matapos pagbabarilin sa Caloocan

148

Patuloy na ginagamot ang isang lalaking nagtatrabaho bilang messenger matapos pagbabarilin sa isang subdivision sa Brgy 183 Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Hector Villanos 25 anyos, residente ng Brgy 183 Caloocan City, isang mensahero o messenger.


Habang ang suspek ay kinilalang si Ruben Asuncion 67 anyos, residente rin ng Brgy 183 Caloocan City.

Sa ulat ng PNP Caloocan, alas 7:5 ng uamaga kahapon nakatayo lamang ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang suspek bitbit ang isang baril at ipinutok sa biktima.

Tinamaan ito sa kanyang kaliwang balikat habang agad na tumakbo papatakas ang suspek pero naaresto rin agad matapos ang isinagawang pagpapatrolya ng pulis Caloocan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP matagal ng away ang dahilan ng pammaril ng suspek sa biktima.

Sasampahan ang suspek ng kasong frustrated murder.

Facebook Comments

From Advertisers