Lalaking nagwala sa MPD at nanagasa sa media, arestado na

Manila, Philippines – Hawak na ng Manila Police District (MPD) ang lalaking nagwala at nanagasa ng mga miyembro ng media sa loob ng MPD Headquarters kaninang madaling araw.

Ayon kay MPD district director, Chief Supt. Joel Coronel, naaresto na nila si Arvin Tan.

Hindi tinukoy kung saan naaresto si Tan na posibleng bangag umano sa iligal na droga.


Napag-alaman na nasa Ospital ng Manila si Tan matapos magtamo ng tala ng bala ng baril sa likod.

Madaling araw kanina nang biglang pumasok sa MPD Homicide division si Tan, naghamon ng away sa media at nang kukunin na siya ng mga pulis, sumakay sa kanyang sasakyan, pinahuhurot at tinangkang sagasaan ang media, mga sasakyan, at gate ng MPD Headquarters.

Hinabol siya ng mga pulis pero hindi na inabutan sa Osmena highway.

Pero kanina lamang inanunsyo na ng MPD na naaresto na nila si Tan.

Hindi pa rin malinaw ang motibo ni Tan sa pagwawala.

Facebook Comments