LALAKING NAHAHARAP SA PATONG-PATONG NA KASO SA UMINGAN, NAARESTO SA BULACAN

Sa lalawigan ng Bulacan naaresto ang isang lalaking akusado sa patong -patong na kaso sa bayan ng Umingan.
Ang nasabing akusado ay nakilalang si Michael Obra residente ng Brgy Lauren sa nasabing bayan.
Nahuli si Obra sa bahagi ng Bocaue sa lalawigan ng Bulacan pasado alas dose ng tanghali sa bisa ng tatlong Warrant of Arrest na may kinalaman sa kasong paglabag sa RA 9262 na may piyansang mahigit isang daang libo para sa kanyang pansamantalang Kalayaan.

Naibalik naman na sa Umingan PNP ang akusado at nakatakdang iturn over sa Court of Origin nito. |ifmnews
Facebook Comments