Lalaking nahulihan ng hinihinalang shabu at pekeng pera, timbog sa Taguig

Taguig City – Timbog ang isang lalaki na nahulihan ng hinihinalang shabu at mahigit 12-libong pisong halaga na umano’y pekeng pera sa isang mall sa Bonifacio Global City sa Taguig kagabi.

Kinilala ni Police Sr. Insp. Romel Bulan ang suspek na si Edwin Pampag na naaresto matapos timbrehan ng mismong taxi driver na kanyang sinakyan sa harap ng convenience store sa Brgy. Ususan patungo sa mall ang mga awtoridad.

Ayon kay Bulan, napansin ng driver na nagbibilang ng maraming pera ang suspek sa loob ng taxi at kahinahinala umano ang kilos.


Nang magbayad na ng pamasahe ang suspek, nalaman ng driver na peke ang pera ni Pampag kaya dinala niya agad ang suspect sa mga rumorondang pulis sa BGC.

Facebook Comments