Lalaking naka-‘Joker’ makeup, nanakot umano ng kabataan gamit ang kutsilyo

Stock photo

NEW JERSEY, Unites States — Arestado ang isang lalaking nag-ala “Joker” matapos takutin ng kutsilyo ang ilang kabataan nitong Martes.

Dinakip sa kasong unlawful possession of a weapon ang kinilalang si Assoumou Diby, 25, ayon sa Haddon Township Police, sa ulat ng Fox News nitong Hunyo 25.

Batay sa pulisya, isang grupo ng kabataan ang nagreklamo na lumapit sa kanila ang suspek at iwinasiwas umano ang dala nitong pocketknife sa harap ng kanilang mga mukha.


Ayon pa sa awtoridad, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng reklamo tungkol sa lalaking pagala-gala sa lugar habang nakasuot ng “Joker” makeup.

Nakatakdang humarap sa korte si Diby sa susunod na buwan.

Facebook Comments