Lalaking naka motorsiklo, sugatan matapos sumemplang

Quezon City – Sugatan ang isang motor rider matapos maaksidente sa northbound lane ng Quezon Avenue fly-over, Quezon City.

Sumemplang sa gitna mismo ng fly-over ang motorsiklo na minamaneho ng biktimang si Mark Anthony Ajero, 39-anyos.

Ayon kay Robert Lacsamana ng MMDA traffic enforcement unit, nasagasaan ni Ajero ang bahagi ng isang upuang kahoy na nahulog sa isang sasakyan na kanyang sinusundan.


Lumalabas na umikot ng makailang beses sa gitna ng kalsada si Ajero.

Mabuti na lamang at hindi ito nahulog sa fly-over o kaya naman ay nabangga ng kasunod pang mga sasakyan.

Agad dinala sa East Ave. Medical Center si Ajero na pauwi na sana sa Talipapa Novaliches QC nang mangyari ang aksidente.

Facebook Comments