Lalaking nakaligtas sa ambush, hinabol ang mga gunman at sinalpok ang motorsiklo nila

31088
Courtesy Jess Alli of RMN-DXMY Cotabato

Nakaligtas sa pananambang ang isang negosyante sa Pikit, North Cotabato nitong Sabado. Ang mga suspek, nagawa pang habulin ng biktima at mapatay ang isa sa kanila.

Ayon sa pulisya, nagmamaneho pauwi ang biktimang si Engr. Jade Omar Tayuman nang pagbabarilin ng isang riding in tandem sa national highway pasado ala-una ng hapon.


Nabigo ang mga gunman na patumbahin si Tayuman dahil bulletproof ang behikulo nito.

Sinundan ng negosyante ang mga papatakas na suspek at nang maabutan, sinalpok niya ang motorsiklo ng dalawa.

Courtesy Jess Alli of RMN-DXMY Cotabato

Dead on the spot ang isa sa mga salarin na si Antong Ibrahim, 20, residente ng Sitio Migkampong, Brgy. Batulawan sa naturang lalawigan.

Tinutugis pa ng awtoridad ang kasamahan ng napaslang na lalaki at inaalam pa ang posibleng motibo sa krimen.



Facebook Comments