Lalaking nakatakas sa Maute group, limang araw nagpalutang-lutang sa tubig

Manila, Philippines – Nakaligtas sa kamay ng Maute terror group ang isang lalaki na limang araw nagpalutang-lutang sa ilog sa Marawi City.

Kwento ni Jun Abapo, 45-anyos – mahigit isang buwan siyang naipit sa bakbakan.

Aniya, tatlo silang magkakasama, kabilang ang kanyang pamangkin nang tangkain nilang languyin ang Agus river papunta sa hanay ng mga militar.


Nagtagal sila sa tubig dahil sa patuloy na pamamaril ng mga terorista na ikinamatay ng kanyang kasama habang nawala naman ang kanyang pamangkin.

Agad namang sinagip ng mga sundalo si Abapo habang binabaril sila ng mga kalaban.

Sa ngayon, ligtas na ang kalagayan ni Abapo at isinasailalim na lamang sa debriefing bago ibalik sa kanyang pamilya.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments