Plano ng isang lalaki sa Alcala, Pangasinan na tumalon mula sa 4th floor ng isang paaralan matapos makatanggap ng death threat.
Napigilan ng mga otoridad ang sanay pagpapakamatay ng isang trentay syete anyos na lalaki at nakilala ang biktimang si Consi Flores, residente ng Brgy. San Pedro Ili sa nasabing bayan.
Umakyat umano sa rooftop ng isang 4 storey building na eskwelahan sa nasabing bayan at tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon.
Mula dito umabot ng halos isang oras ang negosasyon bago napapayag na bumaba ang biktima na agad namang isinugod sa pagamutan para sa medical assessment.
Napag alaman sa imbestigasyon ng PNP na nakakatanggap umano ng banta sa buhay ang biktima kaya’t naisipang magpakamatay na lamang ito bagay na inaalam na ng PNP.