LALAKING NAKI-BIRTHDAY SA TAYUG, NASAWI SA PANANAKSAK NG KAINUMAN

Patay ang isang 57-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang birthday party sa Barangay Amistad, Tayug, Pangasinan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima, suspek, at ilang kasamahan nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang biruan ng dalawa.

Nagpatuloy umano ang alitan hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Naaresto kalaunan ang suspek sa isinagawang operasyon ng awtoridad, ngunit hindi na narekober ang ginamit na patalim.

Nakatakdang humarap sa kaukulang kaso ang suspek.

Facebook Comments