Lalaking Naki-Birthday, Sinaksak!

Roxas, Isabela- Nasaksak ang isang lalaki matapos umawat sa gulo kamakailan sa San Jose, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Sherwin CastaƱeda, 38 anyos, may asawa, magsasaka habang ang suspek naman ay kinilalang si Mark Anthony Saludares, 25 anyos at pawang mga residente ng San Jose, Roxas, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Chief Investigator PO2 Ricky Isla, ibinahagi umano ng ama ng biktima na si Mario CastaƱeda sa kanilang himpilan na dumalo lamang sa isang Birthday Celebration ang kanyang anak na si Sherwin.


Ayon kay Mang CastaƱeda, kasalukuyang nasa pagdiriwang ang biktima nang biglang mambato umano ang suspek dahilan upang awatin ito ng biktima.

Sinubukang pakalmahin ng biktima ang suspek ngunit sinaksak ito sa kanyang likod gamit ang isang kutsilyo.

Nagtamo ng isang malalim na sugat ang biktima dahilan upang isugod ito sa pagamutan.

Patuloy pa ring pinaghahanap ang suspek na posibleng maharap sa kasong Frustrated Homicide.

Facebook Comments