
Pansamantalang sumilong muna habang umuulan nang malakas ang isang lalaki na kinilala bilang si alyas “Anthony” sa isang abandonadong bahay sa Sitio Lagbong, Barangay Mapulot, Tagkawayan, Quezon nang binaril siya ng hindi nakilalang suspek.
Tinamaan ang biktima sa kanang panga o sa ibaba ng tainga na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek sa maburol na lugar dala ang sandatang ginamit sa krimen.
Patuloy sa pagsasagawa ng masusing imbestigasyon ng Tagkawayan PNP sa pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.
Facebook Comments









