Nasawi ang isang 31 anyos na lalaki matapos malunod sa malalim na bahagi ng Bonuan Tondaligan Beach sa Dagupan City noong Sabado.
Mula pa Quezon City ang lalaki kasama ang kanyang pamilya na dumayo lamang umani sa naturang beach para sa isang outing.
Ayon sa Tondaligan Lifeguard, naliligo umano ang lalaki kasama ang dalawa nitong malilit na anak sa restricted area ng naturang beach nang mangyari ang insidente.
Mayroon umanong concern citizen ang nagmalasakit na hugutin ang isa sa mga bata nang makitang nalulunod na ang mag-aama.
Unang nakaligtas ang anim na taong gulang na bata habang na-revive sa pamamagitan ng CPR ang dalawang taong gulang na kapatid nito.
Sa kasamaang palad, hindi na naisalba pa ang ama ng mga bata dahil maputla na umano ang itsura noong maiahon sa dagat.
Bago pa man maligo ang mga ito, una nang nagbigay-abiso ang mga lifeguards ukol sa panganib ng pagligo sa naturang bahagi ng beach ngunit may mga beachgoers pa rin umano ang nagpupumilit.
Patuloy ang mahigpit na abiso ng Tondaligan Lifeguards sa mga beachgoers na may naliligo ukol sa mga bahagi ng dagat na hindi dapat puntahan at maligo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments