Nasakote ng awtoridad ang isang lalaki na nambanta sa bahay ng isang pamilya sa Natividad, Pangasinan.
Idinulog ng barangay council ang insidente sa kapulisan matapos umanong bantaan na kikitilin ng lalaking suspek ang pamilya ng isang magsasaka gamit ang isang granada.
Sa pagresponde ng awtoridad, agad na nadakip ang suspek at nakumpiska mula rito ang isang piraso ng hand fragmentation grenade.
Nasa kustodiya na ng Natividad Police Station ang suspek para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments









