Lalaking nambibiktima sa FB Marketplace, timbog ng PNP-ACG

Arestado sa pamamagitan ng entrapment operation ang isang lalake na nambibiktima ng kanyang mga nakaka transaksyon sa Facebook Marketplace.

Modus ng suspek na si Jay-Ar Jovita, 27 years old, taga-Tondo, Manila na magbenta online ng kama at double deck.

Pero sa reklamo ni Nhorman Limanay, 29 years old na nakipagtransaksyon siya sa suspek na may FB name na Ian para bumili ng military double deck.


Aniya, nagbigay pa siya rito ng P1,000 na downpayment kung saan kanya ring isinama ang picture ng kanyang PRC at driver’s license bilang katibayan na lehitimo siyang buyer.

Lingid sa kaalaman ng biktima ginamit pa ng suspek ang kanyang identity para mas lalo pang makapanloko.

Nang malaman ito ng biktima agad siyang nagpasaklolo sa pulisya dahilan para painan siya ng mga awtoridad at nang kukuhanin na nito ang pera sa Bayad Center ay dito na siya dinakip.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 10951 ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments