Arestado ang isang 32-anyos na lalaki matapos manakit ng isang motorista bunsod ng initan sa kalsada sa Barangay Paitan, San Carlos City, kahapon ng madaling araw, Disyembre 29, 2025.
Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang biktima, isang 21-anyos na lalaki, at tinatahak ang nasabing kalsada nang masangkot sa mainit na pagtatalo sa suspek, na isang drayber ng tricycle, dahil umano sa malakas na tunog ng busina.
Bumaba umano ang suspek sa tricycle nito at inatake ang biktima.
Dahil sa pananakit, nagtamo ang biktima ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na dinala sa ospital para sa gamutan.
Samantala, naaresto ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng San Carlos City Police Station habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.







