Arestado ang isang lalaki matapos manaksak ng tatlong katao bandang alas dos ng madaling araw noong January 1, 2026 sa Infanta, Pangasinan.
Ayon sa ulat, ang mga biktima ay ina at kapatid ng suspek kabilang ang isa pang lalaki na nag-iinuman kanilang bahay.
Batay sa paunang imbestigasyon, dumating umano ang 23 anyos na suspek sa lugar nang bigla umano nitong nilapitan ang mga biktima mula sa likuran at sinaksak gamit ang isang patalim.
Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima upang mabigyan ng karampatang lunas.
Samantala, nagsagawa ng hot pursuit operation ang rumespondeng mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Patuloy pa ang masusing imbestigasyon.
Ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng krimen at iba pang detalye ng insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










