LALAKING NANAKSAK SA BARANGAY FIESTA, PINAGHAHANAP NG AWTORIDAD

Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang Isang lalaki matapos manaksak sa isang barangay fiesta sa Mabini,Pangasinan.

Ayon sa pulisya, Isang 40 anyos na lalaki ang biktima nito na nanonood lamang sa Isang programa sa kapistahan.

Nagsumbong umano ang apo ng biktima na hinahabol ito ng Isang grupo na mayroong Dalang patalim.

Agad na nagtungo ang biktima sa lugar upang awatin ang mga ito. Nilapitan ng biktima ang 19-anyos na suspek, subalit bigla siyang sinaksak sa likod ng naturang lalaki at tumakas.

Agad na isinugod ang biktima sa Hospital na nasa ligtas nang kondisyon.

Samantala, nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para sa posibleng pagkakaaresto ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments