Lalaking nanampal ng zebra sa safari, pinaghahanap ng awtoridad

Screenshot

Tinutugis ng awtoridad ang isang lalaking nakuhanan ng video na nanampal ng zebra sa safari sa Georgia, USA.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, humingi ng tulong ang Troup County Sheriff’s Office upang mahanap ang lalaki sa insidenteng nangyari sa Pine Mountain Wild Animal Safari.

“So apparently a recent visitor to the Pine Mountain Wild Animal Safari thought it would be funny during the tour to smack a friendly Zebra in the face after he rolled the window down and the animal put their head in the car to say hello,” saad sa post.


Ini-upload ang nasabing video sa Snapchat ng lalaking kilala sa username na “Yungmal_15”.

Pribado ang naturang account, ngunit kumalat na rin sa Twitter ang video ng pananampal ng lalaki sa hayop na mayroon ng 2 million views.

“Abuse of any animals from a dog to a zebra will not be tolerated and we are looking for the identity of this individual,” giit ng awtoridad.

Facebook Comments