Lalaking Nang-abuso ng Bata, Timbog sa Tumauini, Isabela!

*Tumauini, Isabela-* Bagsak na sa kulungan ang Top 7 Most Wanted Person sa bayan ng Tumauini matapos silbihan ng Warrant of Arrest sa Brgy. Maligaya, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Chito Coleto, 48 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Maligaya, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, matagumpay na inaresto si Coleto sa ipinalabas na madamiento de aresto ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC B ranch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong Child Abuse.


Dinala na sa Tumauini Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dinala sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya si Chito Coleto kung makakapagpiyansa ng halagang P120,000.00.

Facebook Comments