Isang 48-anyos na lalaki ang arestado matapos magdulot ng kaguluhan sa kanyang kapitbahay sa Sinait, Ilocos Sur noong Martes, Enero 27.
Ayon sa ulat ng pulisya,isinangguni ang insidente ng pambabato at pagtatapon ng babasaging baso sa kapitbahay ng suspek.
Nang makita ang mga pulis, tumakbo umano ang suspek na may hawak naitak ngunit agad ding naaresto.
Sa isinagawang body search, nakumpiska mula sa kanyang bulsa ang 0.2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,360.
Ayon sa mga saksi, wala umanong ibang kasama ang suspek sa kanyang bahay kung saan siya uminom, nagsunog ng gamit at nanggulo.
Matapos maaresto, dinala ang suspek sa ospital para sumailalim sa medico-legal bago dinala sa kustodiya ng Sinait MPS. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Dagdag ng pulisya, sasailalim ang suspek sa drug test examination habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.








