Lalaking Nanggulo at Nakuhanan ng Shabu, Arestado!

Arestado ang isang lalaki matapos itong manggulo at makuhanan ng droga sa palengke partilular sa brgy. 1, Jones Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jay Amurin, 27 anyos, walang asawa, sales representative at residente sa naturang lugar.

Batay sa report ay ipinagbigay alam umanonsa tanggapan nh Jones Police Station ang panggugulo ng naturang suspek at nadatnan pa ito ng mga rumespondeng pulis na nanghahamon.


Nang ito ay isailalim naman sa body search ay nakuha mula sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Agad namang dinala sa tanggapan ng kapulisan ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments