Lalaking nanghipo ng menor de edad, kulong sa Tondo, Maynila

165

Manila, Philippines – Kulongang isang lalaki matapos umanong hipuan ang isang menor de edad sa loob ngpampasaherong jeep sa Tondo, Maynila.
 
Sa report – bababa nasana sa Velasquez street ang 17-anyos na si alyas Lea, kasama ang ina attatlong pinsan nang umakyat sa jeep ang lasing na suspek.
 
Dito – bigla umanonghinipuan ng lalaki sa dibdib at binti ang teenager.
 
Agad nagsumbong angdalagita sa kanyang ina kaya’t kinompronta nito ang lalaki.
 
Dahil sa komosyon –dumiretso ang driver ng jeep sa barangay tanod na siyang umaresto sa lalaki.
 
Itinanggi ng suspek nasi Danny Lagro na hinipuan niya ang dalagita.
 
Gayunman – inamin ni Lagrona nakainom siya, kasabay ng paghingi ng pasensya sakaling nasagi niya angbiktima.
 
Nakakulong na ang suspeksa Manila Police Distrcit Station 1 at nahaharap sa reklamong acts oflasciviousness.
 
 
 
 
 

Facebook Comments