Lalaking nangungulila raw sa misis, nagpatiwakal

600

Nagpakamatay ang isang lalaki sa Cagayan, dala umano ng labis na pangungulila sa nakipaghiwalay na misis, naiulat Linggo ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Nicanor dela Cruz, magsasaka mula Allacapan at dating asawa ng isang overseas Filipino worker (OFW).

Ayon sa Allacapan Police Station, nadiskubre na lamang ng mga kaanak ang biktima na nakabigti at wala ng buhay sa loob ng kanyang bahay.


Batay naman sa kapatid ni Dela Cruz, nagtangka na rin noong magpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot, ngunit naagapan nang maisugod sa ospital.

Simula rin daw noong iwan ng asawa, palagi nang tulala ang kanyang kapatid at hindi makausap nang maayos.

 

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.



Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments