Lalaking Nanikwat ng mga Grocery Items sa Isang Hypermarket sa Cauayan City, Arestado!

Cauayan City, Isabela – Arestado kahapon ang isang lalaking nanikwat ng mga grocery items sa isang htypermarket sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Kinilala ang suspek na si Fidel Sunga Cortez, apatnapu’t siyam na taong gulang, may asawa, helper at residente ng Brgy. Sillawit, Cauayan City, Isabela.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng PNP Cauayan City, pumasok umano sa hypermarket ang suspek at kumuha ng mga groceries nito kung saan ay nakita umano ng isang vegetable merchandiser sa sulok na hindi nasasakupan ng CCTV na duon ay inilagay umano ng suspek ang kinuhang grocery items sa bulsa ng kanyang pantalon.


Nagbayad naman umano ang suspek sa counter ng ibang grocery items nito ngunit nang sitahin ito ng security guard ang kanyang bulsa ay nakita ang walong pakete ng sigarilyo.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments