Lalaking nanloob sa resto, nagluto ng makakain, natulog

840
Surveillance screenshot by Gwinnett County Police

Pinaghahanap ng awtoridad sa Georgia, US ang isang lalaking nanloob sa saradong fast-food chain, nakikain, at nakitulog bago tuluyang umalis.

Bandang 12:15 ng madaling araw noong Pasko nang pumasok ang hindi pa nakikillang lalaki sa drive-thru window ng Taco Bell sa Lawrenceville.


Makikita sa CCTV na dumiretso ang kawatan sa pagluluto ng makakain at saka umidlip sa sahig ng restaurant.

Tatlong oras ang nakalipas bago tuluyang lumabas ang lalaki bitbit ang isang laptop at tablet, ayon sa mga imbestigador.

Inilarawan ang suspek na isang black male, at all black na sweatpants, hooded sweatshirt at sneakers.

Facebook Comments