Arestado ang Top 2 Most Wanted Person sa ikinasang warrant of arrest operation ng Lingayen Police Station.
Kinilala ang suspek na isang 28 anyos residente ng Brgy. Libsong East, Lingayen, Pangasinan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Lingayen Police Station Officer in Charge PLtCol Amor Mio Somine, sinadya umanong sunugin ng suspek ang bahay ng kapitbahay nito noong Enero dahil sa personal na alitan.
Ayon sa imbestigasyon, kusina lamang ng bahay ang nasunog sa insidente ngunit desidido ang biktima na kasuhan ang suspek na kamag-anak nito.
Bagaman hindi pa umaamin ang akusado sa krimen, tumutugma ang nakalap na impormasyon ng tanggapan sa mga saksi.
Sa ngayon, nahaharap ang akusado sa kasong Arson na walang karampatang piyansa at nakatakdang simulan ang pagdinig sa mga susunod na araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









