LALAKING NAPAULAT NA NAWAWALA MATAPOS MAG DAY TOUR SA DASOL, NATAGPUAN NA

Nakauwi na sa kanyang pamilya ang isang lalaki na napaulat na nawawala matapos umanong mag day tour sa isang resort sa Dasol, Pangasinan noong Linggo, Nobyembre 2, 2025.

Kinilala ang lalaki na residente ng Tibag, Tarlac City.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 6:40 ng gabi nang madiskubre ng may-ari ng tinutuluyang resort na hindi pa nagche-check out out sa guest list ang lalaki matapos pumasok sa resort noong tanghali sakay ng isang pickup.

Wala rin umano sa silid ang lalaki at hindi rin ito lumabas sa resort base sa kanilang record.

Agad isinangguni sa awtoridad ang pagkawala nito upang matukoy kung aksidenteng nahulog sa dagat ang biktima o kung may ibang nangyaring insidente.

Sa pakikipag-ugnayan ng IFM News Dagupan sa Dasol Municipal Police Station, ligtas umanong nakauwi ang lalaki kasama ang kanyang pamilya sa Tarlac City.

Nanggaling umano sa kalapit barangay ng Tambobong ang lalaki upang magnilay-nilay dahil sa stress.

Paalala naman ng awtoridad sa mga turistang bibisita sa hindi pamilyar na lugar, makipag-ugnayan sa pulisya upang masaklolohan sa oras ng pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments