Lalaking Napaulat na Nawawala, Nakauwi na!

1305

Cauayan City, Isabela- Nakauwi na sa kanyang pamilya ang isang lalaki na napaulat na nawawala nitong mga nagdaang araw.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Abdel Aziz Maximo, hepe ng PNP Ramon, Isabela, nagpakita na rin sa pamilya si Jannew Baybado, 25 anyos na residente ng barangay Bugallon Proper sa nasabing bayan matapos itong hindi magparamdam ng tatlong araw sa kanyang asawa.


Ayon kay PCapt Maximo, nito lamang Sabado (Nov. 9, 2019) ng gabi nang magpakita sa pamilya si Baybado.

Ayon naman kay Baybado, mayroon lamang umano itong problema sa kanyang pamilya at trabaho kaya’t hindi muna ito umuwi sa kanilang bahay.

Facebook Comments

From Advertisers