CAUAYAN CITY- Nahanap na ang lalaking napaulat na nawawala sa Gamu, Isabela matapos tumalon sa sinasakyang bangka sa Brgy. Lenzon, Gamu, Isabela.
Sa panayam ng IFM News Team kay Police Master Sergeant Jonel Claro, Investigator on Case, inihayag niyang hindi tumigil ang kanilang team sa paghahanap sa katawan ni Arman Lapuebla, na hinihinalang inanod ng malakas na agos ng tubig.
Ayon kay Claro, nakipag-ugnayan sila sa mga MDRRMO ng mga karatig bayan at sa Cagayan Provincial Police Office upang mapabilis ang kanilang paghahanap
Dagdag pa niya, kabilang sa mga lugar na kanilang inikutan ay mga ilog sa bayan ng Gamu at Ilagan, kung saan patuloy ang kanilang pagsisikap upang matagpuan ang katawan ng biktima.
Facebook Comments