Lalaking nasa drug watch list ng Barangay Pembo, Makati City, arestado sa checkpiont

24

Timbog ang dalawang lalaking suspected pusher sa isang checkpoint sa Sampaguita Street, kanto ng Cadena de Amor Street, Barangay Pembo, Makati City, kaninang alas-3 ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Ormil Valera Bolivar, 38-years old na dati na ring nakulong ng dahil sa droga at kasama rin sa drug watch list ng nasabing barangay at si John Paul Pacleb Nieves, 28-anyos.


Ayon kay Police Lieutenant Art Grabillo, hepe ng Sub-Station 9 ng Makati Police, biglang umiwas ang sinasakayang tricycle ng mga suspek kaya hinabil nila ito.

Aniya, nang naabutan, agad nilang chineck ang tricycle at kinapkapan ang mga suspek at doon nila nakuha ang dalawang pirasong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng anim na libong piso.

Nakakulong na ang dalawang drug suspek sa custodial facility ng nasabing police station at nahaharap ito sa kasing paglabag sa Republic Act 9156 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments