Lalaking nasa Drug Watchlist, Arestado!

133

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang lalaki na kabilang sa drug watchlist ng PDEA matapos itong mahuli ng mga otoridad sa isinagawang drugs buybust operation sa Brgy. Centro Poblacion, City of Ilagan, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Arnel Cabrera, 39-anyos, may-asawa at residente sa Brgy. Sta. Barbarra, City of Ilagan, Isabela.


Sa pinagsanib na puwersa ng City of Ilagan Police Station, PDEA R02 SET Northern Isabela, NBI at MASA MASID ay positibong nahuli si Cabrera sa ikinasang operasyon kung saan ay narekober sa kanyang pag-iingat ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu, marked money na Php.1,000 na ginamit ng pulis na nagpanggap na poseur buyer at isang cellular phone.

Pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Ilagan ang suspek habang inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa kanya.

Facebook Comments

From Advertisers