Lalaking nasa drug watchlist at 5 iba pa, arestado sa buy bust operation sa Bocaue, Bulacan ngayong umaga

Sa kulungan ang bagsak ng 6 na drug suspect matapos mahuli sa buy bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Bocaue Police.Kinilala ni Police Lt. Col. Rizalino Andaya, hepe ng Bocaue Police ang mga suspek na sina:

  1. Manuel Burgos nasa drug watchlist
  2. Allan Pangalan
  3. Manilyn Antonio
  4. John Paul Nicolas
  5. Jerwin Castro
  6. Nelson Vicente

Ayon kay Andaya, naaresto ang mga suspek kaninang alas singko ng umaga sa kanilang pinagkukutaan sa Brgy. Taal, Bocaue.


Target ng operasyon si Burgos pero nadatnan ng mga operatiba ang 5 iba na nagpa-pot session sa lugar.

Nakuha ng mga pulis ang 5 pakete ng hinihinalang shabu at drug parephernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o comprehensive Dangerous drugs act of 2002.

Facebook Comments