LALAKING NASA DRUG WATCHLIST NG PNP PATAY SA PAMAMARIL SA NOTH COTABATO

32

Patay ang isang lalaking konektado sa illegal na droga matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa barangay Tubon sa bayan ng Pigkawayan North Cotabato dakong alas tres y medya kahapon ng hapon.
Kinilala ni Police Chief Inspector Realan Mamon, hepe ng Pigkawayan Pnp ang biktima na si Bonifacio Seguinre 59 anyos jobless res ng barangay Manuangan Pigkawayan.
Sa report ay pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo galing sa sabungan sa barangay Capayuran at pagsapit sa barangay Tubon ay dito na siya pinagbabaril.
Narekober sa crime scene ang 4 na basyo mula sa cal.45 pistol.Isang kristo sa sabungan ang biktima.Sa ngayon ay inaalam pa kung sino ang mga salarin at ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments