Lalaking nasita dahil sa bote ng alak, nanaksak ng pulis

346

Sugatan ang isang pulis sa Kabankalan City, Negros Occidental makaraang saksakin ng sinitang residente dahil sa bitbit na bote ng alak.

Nagpapagaling ngayon sa Lorenzo Zayco District Hospital ang biktimang si Police Staff Sgt. John Perez na nagtamo ng tama sa tiyan at iba pang parte ng katawan.

Ayon sa pulisya, hinarang ni Perez ang suspek na si Noel Bautista nang mapansin ang dala nitong bote ng alak.

Subalit minasama raw ni Bautista ang paninita ng awtoridad kaya binasag nito ang bote at inatake ang biktima.

Nagawa naman ng pulis na disarmahan ang salarin at naaresto ito sa tulong ng mga barangay tanod.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang pananaksak sa Barangay Talubangi border control checkpoint, Lunes ng umaga.

Mahaharap si Bautista sa kasong frustrated homicide.




Facebook Comments