Lalaking nasita dahil walang suot na face mask, nahulihan ng iligal na droga sa Pasay City

Kalaboso ang isang 38-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ilegal na droga sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Ricardo Caraig, walang trabaho at residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa Pasay City Police, nasita nila ang suspek dahil sa wala itong face mask.


Nang kapkapan ito, dito na nadiskubre ng mga otoridad ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa loob ng bulsa nito.

Dahil dito, agad inaresto ang suspek dahil sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at hindi pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar.

Facebook Comments