Lalaking natagpuang patay sa loob ng SUV sa Caloocan, kilala na

Caloocan City – Nakilala ng mga awtoridad ang lalaking natagpuang patay sa loob ng isang SUV sa Barangay 177, Caloocan City.

Kinilala ang bangkay bilang si Camar Tampla alyas “Marlex.”

Ayon sa biyenan ng biktima na si Mariam Lacsaman, ka-video call niya noon ang kaniyang anak na si Mariam at manugang na si Marlex nang biglang sumakay sa sasakyan ng mag-asawa ang tatlong lalaki.


Nakatakas aniya si Marian at nakausap din nila ang mga dumukot pero walang nabanggit na ransom.

Sabi naman ni Senior Superintendent Restituto Arcangel, hepe ng Caloocan Police, walang saksak o tama ng bala ang biktima pero may mga galos ito sa katawan at nilagyan din ng karatulang may nakasulat na “”huwag tularan, pusher.”

Iginiit naman ni Jamael Tandual, kagawad ng Barangay 188 kung saan naninirahan ang biktima, walang masamang rekord sa kanilang lugar si Marlex.

Kinukumpirma pa ng pulisya kung kasama ang biktima sa drugs watchlist at sinisilip na rin ang mga kuha ng CCTV sa lugar para sa ikadarakip ng mga suspek.

Facebook Comments