LALAKING NATALO SA SUGAL NA LUCKY9 SA BALUNGAO, NILASLAS ANG LEEG NG KASUGAL

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang kwarentay singko anyos na lalaki matapos itong gilitan sa leeg ng kanyang kasugalan sa isang lamay sa bayan ng Balungao.
Ang biktima ay nakilalang si Fiderico Dela Cruz habang ang suspek ay nakilalang si Francis Albalate parehong residente ng Brgy. Pugaro sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nagsusugal sa isang lamay ang dalawa sa kanilang lugar nang matalo ang suspek at dito na sila nagkainitan.

Walang ano – ano ay umuwi naman ang suspek subalit pagbalik ay armado na ito ng kutsilyo at agad na ginilitan sa leeg ang biktima.
Agad naman naisugod sa pagamutan ang biktima na patuloy na inoobserbahan habang naaresto ang suspek kasama ang patalim na ginamit nito. |ifmnews
Facebook Comments