
Natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking nahulog sa sapa pasado 5:00 PM kahapon, Agosto 25, at inanod ng malakas na daloy ng tubig sa Barangay Banilad, Mandaue City, Cebu.
Ayon sa asawa ng biktima, sinasabing nakainom ang 56-anyos na biktima.
Upang maka-“shortcut” umano sa pag-uwi nito sa kanilang bahay, sa sementadong daanan sa gilid ng sapa ito dumaan.
Nakunan pa ng CCTV camera ng barangay ang biktima na naglalakad nang bigla na lamang itong nahulog sa sapa at inanod ng tubig—na sa mga sandaling iyon, ay umaambon din.
Ilang mga residente ang nakakita sa nangyari at kaagad na humingi ng tulong upang mailigtas ang biktima.
Ilang oras na ginawa ang paghahanap kagabi ngunit hindi ito natagpuan.
Pasado 9:00 ng umaga ngayong Agosto 26, nakita na ang bangkay nito sa kabilang barangay ng Mabolo, Cebu.









